Welcome back to my blog. It's been a long time since the last time hehe but anyway here is a new spa that I recommend. And friend ko rin ang nag recommend na i-try ko kaya Go ako ngayong may time. And time to relax na rin.
Unit G4-B Makati Cinema Square, Pasong Tamo, Makati City, Philippines
Madaling makita dahil pagdating mo sa Makati Cinema Square ay kita mo na siya agad, bungad lang. Magandang business strategy! Japanese ang may-ari.
Nag-open siya this October 1, 2022 and ang operating hours nya ay Opening Hours / 2:00PM - 4:00AM (Last call 3:30)
Hiring nga pala sila ng mga therapists, everyday ang interview just bring your resume. Sorry boys pero female therapists lang ang meron sila.
So this last weekend ng November nag try ako ng one hour massage nila, share ko ng kaunti yung experience.
Kapag peak hours or let's say weekends madaming client, so kailangan mo magpareserve. Kaya pagdating ko ay nag-iwan na lang ako ng contact number para kung sakaling may available na ay tawagan na lang nila ako. Mag u-ukay-ukay muna kami sa loob ng mall.
After 30 minutes tinawagan na ako, may available na raw silang therapist, so bumalik na ako. Ganito procedure nila.
Pili ka ng massage: Options nila:
DRY or OIL
Parang gusto ko ng dry kasi ayoko maging oily pero na convince ako ng receptionist na OIL, well yun talaga recommended eh mas mararamdaman mo daw talaga yung effect ng massage. Tapos pili ka ng oil
3 OIL OPTIONS:
Lavender
Green Tea
Mint
Pinili ko yung Green Tea, maganda raw sa katawan.
May form na fifill upan. Organized, sabagay Japanese may-ari eh. Isusulat mo kung anong type of massage, hard, medium or soft, anong part ng katawan ang hindi mo ipapagalaw, at anong part ng katawan ang focus. Bibilugan mo sa form, may drawing sila dun.
Gusto ko hard pero medium na lang muna tapos magpapa dagdag na lang ako ng pressure.
So start na ako, punta sa cubicle, marami silang cubicle na kurtina lang ang pagitan, malinis, mabango yung paligid, halatang bagong gawa. Yun maganda sa mga bagong spa kasi marerelax ka talaga sa kalinisan, sa amoy, sa space. Kaya masarap pa-massage sa mga bagong open na spa.
May timer ang therapist sa cubicle nakasabit sa gilid, bawal kasi silang mag relo.
May hangeran at box na pwede pag-lagyan ng mga damit. May isang unan at dalawang towel pantakip. Pwede ka ring mag request ng shorts kung gusto mo.
Yung name ng therapist ko ay Evelyn, kilala nya raw yung friend ko na kakilala nung may-ari. Kung bago ka dito I recommend kunin mo sya, gusto ko yung pressure ng massage nya.
Isang surprise para sa akin yung quality ng Green Tea oil nila, hindi matapang yung amoy at hindi malagkit yung pakiramdam sa katawan. Hindi ako nagsisisi kung bakit ito yung pinili ko.
Yung massage part na nakadapa ako, nung simula dami ko pang tanong, kinakausap ko yung therapist tapos nung minasahe na likod ko dun na ako nagsimulang makatulog, nagising na lang ako kasi pinpatihaya na ako.
Nagpatuloy ang masarap na massage hanggang sa matapos. May pa hot towel pa ang therapist at pupunasan ang likod mo. Pwede ka rin mag request ng hot tea sa reception.
Malawak ang reception area, bago ang sofa, malinis at masarap tumambay sandali.
Overall nagustuhan ko yung massage, sulit ang punta.
Magkano ang whole body massage nila? 350 pesos
Not bad. Legit na masahe nakaka relax.
Tips:
1. Contact Grit Spa first before coming para makapag pareserve ka
2. Meron silang Private room kung ayaw mo ng maingay sa paligid.
3. Maraming new arrivals sa ukay-ukay ng Makati Cinema Square tuwing weekend. More than five stores ang ukay dun.
Okay see you on the next spa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Please do not leave a spam comment!